Saturday, March 9, 2013

Hopeless Romantic



Mahilig akong magbasa para makalimutan ang realidad - pero hindi ko nagustuhan ang binasang kong Hopeless Romantic ni Roma Borromeo. Hindi rin naman sa ayaw ko ng mga kuwento tungkol sa pag-ibig - pero marami akong nakita dito na nainis ako sa pagkasulat.

Unang una kong napansin - sinulat ito sa taglish. Hindi man lang taglish na kaunting salita lang ang pinalit - buong pangungusap niyang sinulat sa ingles at iba naman bigla nalang naging tagalog uli. Napaka-labo ito sa pagbasa sa isip ko na parang hindi sigurado ako sa boses ng awtor.

Pangalawa - napaka-babaw ang pagkatao ng pangunahing mga tauhan sa kuwento. Una si Rena - isang manunulat sa kanyang patnugot na parang masungit hanggang makilala mo siya. Maganda ito at maraming hindi kaya siyang kausapin. Pero hindi naman natin malalaman ang kanyang kuwento - kung bakit siya masungit, o kaya kung bakit may hilig siya sa pagsulat, o kung paano siya kapag kasama niya ang mga kaibigan niya sa araw-araw. Wala akong pakiramdam na nakilala ko ang isang tao at may pakealam ako kung ano ang mangyari dito. Sa mga binabasa kong libro, importante sa akin na parang tao talaga sila dahil sa kanilang pagsulat.

Pero dito naman si Ej. Pagpasok niya - malalaman nating marunong siya mag-basketball. Magaling rin siya sa kanyang akademiko dahil iskolar siya. Nagbabasa ng diyaryo kaya may alam sa nangyayari sa mundo. Marunong siyang magsulat at gumuhit. At hindi man lang siya mayabang o masungit sa ibang tao - mabait siya. At ang pinaka malapit na meron siyang isang hindi perpekto sa pagkatao niya ay ang kanyang pagiging torpe.

Walang klaseng lalaki na ganito sa totoong buhay.

Ang kuwento naman nito ay nagpakita ang problema o ang sakit ng isang babaeng naghihintay - pero para sa librong ito, biglang nagpakita nalang si Ej noong umiiyak na si Rena at ang totoong dahilan kung bakit bigla nalang siya nawala? Meron siyang Leukemia at nilaban niya ito para makabalik siya kay Rena.

Kaya malalaman rin natin isa pa iyang magaling si Ej -sa paglaban ng mga nakakapatay na sakit.

At dahil isa itong romance novel - isa siyang masayang pagwakas kung saan nagkatuluyan sila. Sinabi na nga sa simula ng isang tricycle driver na bagay sila dahil pareho ang kanilang taas.

Siyempre, dito dapat ang mga base ng kung sino ang magkakatuluyan.

Sunday, February 24, 2013

Si Labaw

Noong araw na pinanood namin ang dulang Labaw Donggon, wala akong masyadong inaasahan dahil wala akong masyadong narinig tungkol dito at sa kuwento niya. Ang iniisip ko lang noon ay sana nagdala ako ng dyaket dahil nalaman ko lang nung araw na iyon na nasa labas lang iyong dula.

Ang una kong impresyon sa dula ay kaunting pagkagulat sa kaibigan ni Labaw Donggon dahil pinakilala niya ang kaniyang sarili bilang si Labaw, at noong oras na iyon naniwala naman ako. (Kaya sa unahan ng dula medyo naguluhan ako kung sino talaga si Labaw Donggon) Napasigla niya ang pag-intay bago magsimula talaga ang kuwento, at hindi ko masyadong napinsin na gutom ako nung gabing iyon dahil hindi pa ako nakapag-hapunan.

Napakaganda ng presentasyon ng dula. Ang mga props at kasuotan ng mga tauhan ay nakapag-gawa ng kakaibang atmospera at parang angkop talaga sa tagpuan ang mga ito. Naramdaman ko talaga ang paghahakot na napadala ako sa ibang lugar at panahon dahil sa stage presentation nila. Para sa akin, dito talaga ang lakas ng dulang Labaw Donggon.

Ang isa pa na nagustuhan ko ay ang musika. Ang paghalo nila ng katutubong tunog at mga modernong instrumenta kagaya ng electric guitar ay gumawa ng mga nakakaibang pakiramdam para sa mga sitwasyon. Isa dito ang musika sa unang labanan ng Aswang at ni Labaw Donggon. Nakapupukaw ang eksenang ito dahil sa choreography at dahil sa paggamit ng gitara para mas nakakabahan ang mga nanonood para kay Labaw.

Kaya lang, mayroon ring mga kahinaan ang dula, at dito ang kuwento nito at ang mga tauhan. Ang tauhan ni Labaw ay mababaw sa kanyang paghanap ng mga babae at paulit-ulit lang ang mga ginagawa niya na may kaunting kaibahan lamang tulad ng sinong nilalaban niya. Alam ko naman na hindi sa "moral lesson" ang mga kuwento, pero para sa aking napakababaw ng paningin nito sa mundo at parang wala akong nakitang kakaibang perskeptibo o naranasan dahil sa dulang ito.

Mas nagustuhan ko ng kaunti ito noong nalaman ko isa itong epiko, dahil ganito naman ang mga istruktura ng mga epikong tagalog, at nung pinaliwanag sa aking ng isa kong kaibigan ang mga simbolismo da dula kagaya ng tatlong babaeng Luzon, Visayas at Mindanao. Nakita ko kung bakit importante na masama silang lahat ni Labaw Donggon. Dito ko medyo naintidihan ang nais ng kuwentong ito, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin masyadong masabi na nagustuhan ko ang kuwento niya.

Pero maliban dito, masaya naman ako na nakaranas ako ng isa pang Pilipinong dula kagaya ng Sintang Dalisay na naponood ko noong unang semestre. Isa siyang sining na hanggang ngayon nandito pa at nakikita talaga ang kultura ng Pilipinas, at pinahalagaan kong nakakita ako nito dahil inaamin kong hindi ako madalas na nanonood ng mga sining Pilipino.

Saturday, February 16, 2013

Ang Problema ng Wika


Buong buhay ko, naranasan ko yung problema na hindi ako masyadong marunong kung paano i-ekspres ang aking mga ideya sa wikang Filipino. Noong bata pa ako, gusto ng mga magulang ko na magaling ako mag-Ingles(kahit hindi rin naman sila masyadong nagsasalita sa wikang Ingles, at kadalasang kinakausap ako ng tagalog), kaya hindi ako masyadong naturuan ng mabuti sa wika. Dito nagsimula ang aking habang-buhay na labanan na matutunan kung paano sabihin ang aking mga gustong sabihin sa wikang ito.

Sa mga klase ng Filipino, nahirapan ako sa mga pagbasa at pagsulat. Gusto ko sanang malaman kung paano basahin ang mga manunulat na Pilipino at ang kanilang mga kuwento, pero ang laki ng pagsisikap ko sa pagbasa lamang ng isang pahina ng Tagalog na napagod ako sa pagbasa, pag-translate, at pagkaintindi rito, na sobrang bagal ko kumpara sa iba. Sa pagsulat naman, kadalasan alam ko ang mga sagot na gusto kong iparating sa aking mga papel. Naka-outline ang aking mga ideya sa aking utak, at kung ano ang gusto kong makuhang epekto sa mga mambabasa. Ang problema ko lang ay kapag nagsimula na ako sa pagsulat – dahil pagpupunyagian ko ang paghanap ng mga salita o kung paano sabihin ang isang pangungusap na klarong klaro para sa akin sa Ingles. Dahil dito, kadalasan ang gagawin ko ay ibahin nalang ang ideya ko para lamang masabi ko ito ng maayos sa aking mga papel. At palagi akong takot na iniisip ng aking guro na tanga ako dahil hindi klaro ang sinasabi ko o masyado nang naging simple ang sagot sa mga sanaysay ko.

            Naapektuhan ako dito sa aking pagiging estudyante sa Miriam, dahil mayroong pagka-husga sa mga taong nagsasalita ng diretsyong Ingles dahil iniisip na maarte o mayabang. O kaya minsan pinagtatawan nila ang aking pagsalita sa Tagalog dahil pahinto-hinto at may accent ito. Pero hindi dahil iniisip ko na mas mataas yung wikang Ingles – gusto ko silang pareho. Ang problem ko ay ito lang talaga ang wika kung saan kumportable ako at nakakapag-sabi ng kung ano yung ibig-sabihin ko. Kaya ang resulta nito ay ang mga kaibigan ko rin ay iyong mga kumportable ring kausapin ako sa Ingles dahil nakakapag-usap kami at nagkakaintindihan.

            Ayaw kong isipin ng mga taong elitista ako dahil Ingles ang una kong wika. Sa totoo lang, para sa akin napaka-ganda ng wikang Tagalog. Para siyang isang wika na ginawa para sa mga makata – dahil punong puno ito ng mga damdamin. Noong pinag-usapan namin ng isa kong kaibigan na nahihirapan rin mag-tagalog, nag-sumang-ayon kami na nakakainis na hindi kami magaling sa wikang ito, kasi sa dila ng isang maestro ng Filipino, napaka-angkop ang mga salita para sa emosyon at palaging mas malaki ang epekto. Mas nailalabas ang galit sa isang tao sa paggamit ng “putang ina mo” kesa sa “fuck you.” At parang mas tapat ang damdamin ng isang tao kapag sinasabi nila sa isang tao ang “mahal kita” kaysa sa “I love you.” Naalala ko rin ang tuwa ko noong may nagsabi sa akin ng obserbasyon na sa wikang Tagalog, walang hiwalay na panghalip para sa mga babae at lalaki. At ang katumbas ng mga Ingles na salitang “friend” at “lover” ay pareho lamang sa Pilipino – iba lang sila sa kung paano mo sinasabi ito.

Bilang isang taong gusto maging manunulat at dating debater, alam ko ang kapangyarihan ng mga salita. Minsan nga, nagiging isang hadlang ang mga salita imbis na tulay ng mga ideya at damdamin ng tao. Marami ring taong nagsisinungaling gamit ang mga salita. Kahit may kapangyarihan itong ipakita ang isang kultura- minsan may mga salita na nasa isang wika lamang at hindi sa isa, [Walang Ingles ng salitang gigil o kilig], mayroon pa ring mga taong hindi pa rin alam kung paano i-ekspres ang kanilang sarili kahit sa sariling unang wika. O kaya kapag napaka-takot ang isang tao at hindi alam kung anong sasabihin, hindi sapat ang isang wika. Sa mga iba’t ibang sitwasyon na ito lumalabas ang kakulangan ng mga salita. Lalong lalo na sa mga language barriers. Kung may dalawang taong napaka-iba ng wika na ginagamit, napakahirap ang komunikasyon dito. Baka hindi nila maintidihan ang isa’t isa.

Ang isang sikat na kasabihan ay “actions speak louder than words.” At totoo ito. Kasi kung titignan mo kung paano talaga nagkakaintidihan ang tao, kadalasang mas marami pa ang iniitindihan bago ang mga salita. Kung ngumiti ang isang tao, hindi niya naman kailangan sabihin sa napakaraming wika bago maintindihan ng iba’t ibang tao na masaya siya. Ibig-sabihin ng isang yakap ay ang pagkakaibigan. Napaka-taas minsan ang binibigay na kahalagahan ng mga tao sa salita na nakakalimutan nila na napakaraming iba pang pagpapakita ng mga tao kung ano ang ibig sabihin nila. Kung saan nagkukulang ang mga salita, lumalabas pa rin ang mga pagkatao nila dahil palaging naipapakita ng mga tao ang ibig-sabihin o damdamin nila kahit hindi sila malay dito.

Posibleng maunawaan ang isang tao lampas pa sa kanilang mga wika at salita.

Ang Imposibleng Pangarap


Noong bata ako, marami akong mga pangarap na gustong matamo. Nag-iba ito bawat araw. Ganoon kasi ako dati, isang bata na hindi pa rin sigurado kung ano talaga yung gusto. Sa bawat libro na binabasa ko, nabago ang pangarap ko base sa kung ano yung nabasa ko noong araw o linggo na iyon. Ang isa sa mga libro na nag-iwan ng impresyon sa akin ay yung The Little Prince. Hanggang ngayon, isa pa rin ito sa pinakapaborito kong kuwento, at dito nagsimula ang aking pangarap na maging isang piloto. Ito yung isa sa gusto ko maging paglaki ko na nagtaggal sa isip ko. Kaya lang, nasira yung pangarap na ito noong nalaman kong kailangan maganda yung paningin para lumipad ng mga eroplano. Mayroon kasi akong salamin.

Importante yung imahen ng paglipad para sa akin. Ito yung isang larawan na nagbibigay ng pakiramdam na malaya ako – minsan naiisip kong isang problema ang paglaki ko na sheltered; hindi ako pinayagang magcommute at hindi rin ako natutunang magluto, maglinis, o maglaba. Sa isip ko, hindi ako tatagal sa totoong mundo dahil dito. Kaya kapag iniisip ko ang piloto, naiisip ko ang isang tao na nakatakas sa paghila ng grabidad, ng isang taong nakaabot ng langit.

Ang isa pang dahilan na gusto ko yung pagiging piloto at ang paglipad ay dahil alam ko ang limitasyon ng pagiging maliit. Maraming lugar ay hindi ko abot dahil masyado silang mataas, at paligi kong gustong isipin na kung may malakas na kalooban na gustong makuha ang isang bagay, walang limitasyon ang puwedeng huminto sa iyo. Ganito kasi ang tao minsan: napaka-tigas ng ulo, at minsan ayaw pakinggan na may mga bagay na imposible lang talaga. Ang mga nangyayari dahil sa katangiang ito ay minsan nakakagulat- at nakakatuwa. 

Sa kasaysayan natin, hindi naman inisip ng mga tao na posible palang maimbento ang eroplano, o magkailaw sa gabi gamit ang mga lightbulb, o mangyayari ang internet kung saan makakausap mo ang isang taong nasa kabilang dulo ng mundo. Ito ay ang mga ebidensya kung paano tuloy-tuloy ang mga supresa na nagagawa ng mga tao at binabago ang ibig-sabihin ng mga limitasyon at kung ano ang imposible. Kaya para sa akin, kahit nag-iba na ang aking pangarap dahil sa aking pagkalaki(ngayon, gusto ko na maging isang manunulat), nananatili sa aking isipan ang dati kong pangarap na maging piloto at lumipad sa langit – kahit hindi na 20/20 ang paningin ko.

Wednesday, January 30, 2013

Indie o Inday: Ang Mga Imahen ng Homoseksuwal sa Mga Indie Films


Nagbabago na ang tingin sa mga homosexual sa panahong ito. Mas tinatanggap na sila dahil sa maraming mga sikat na gay icon sa media kagaya ni Vice Ganda. Dahil dito, importante ring suriin kung paano nagbabago ang pagpapakita sa kanila sa mga pelikula, lalung lalo na sa mga pelikulang indie.

Ang mga indie film ay ang tawag sa mga independent film dahil hindi sila pinalabas ng isang film producer na kumpanya. May pagkakaiba ito sa mga mainstream na pelikula dahil madalas na iba ang mga layunin nitong dalawang klaseng pelikula. Ang mga mainstream ay mas madalas na ginagawa na iniisip kung paano kikita ng pera ito. Dahil kailangan nitong aprubahan ng mga film producer, mas madali ang ipagsensurahin ang mga ito, o hindi nagpapakita ng mga radikal na ideya kung saang ibang-iba sa mga paniniwala ng marami. Ito ang dahilang kung bakit iniuugnay ang mga indie film sa artistic expression: kasi independent sila, mas indibidwal ang ekspresyon ng pananaw tungkol sa mga napapanahong isyu sa lipunan. Isa dito ay ang pagsuri ng iyag at kasarian: ang pagpapakita ng mga bading.

Mayroon ring ebolusyon ang mga indie film at ang mga imahen ng bading na makikita rito. Nagsimula ito na kaugnay sa dating konserbatibong tingin sa kanila: isang problema ang pagiging bakla, at sa dulo ng kuwento magiging “totoong lalaki” na sila. Sinusunod rin nito ang stereotype na isang klase lang na homosexual na meron: mahinhin at pambabae ang pagkilos at paggalaw nila. Nangyari ito noong mga taong 1954 hanggang 2000.

Pero paglipas rin ng panahon, nagsimula ang pagbabago ng tingin ng lipunan sa mga bading. Dumami ang taong nagkumpanya para sa mga karapatan nila at para sa pagtanggap sa kanila. Nakita rin itong pagbago sa mga pelikula sa Pilipinas, kung saan mas marami ng imahen ng bading ang lumabas: hindi lang isang paglalarawan na tinatawag na flaming gay ang pinapakita, kundi ang mga bading na puwedeng batak o tahimik. Ito yung panahon ng New Cinema, sa mga taong 1970 hanggang 2000. 

At ngayon naman mayroon nang nakikitang bakla sa New Wave Cinema. Kumpara sa dati, iba’t iba na ang mga bading sa mga pelikula: may mga masasama at maganda, may mga bakla na pambabae yung paggalaw, mga bakla na batak at mga iba na nasa kalagitnaan ng espektrong ito. May mga positibong imahen, at iba namang nagiging exploitation sa tema ng seksuwalidad ng mga bading. 

Isang pelikulang indie na puwedeng suriin dahil sa kanyang mga imahe ng mga bading ay ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. Ang tema ng pagpapakita nito ng itong klaseng kasarian ay nakikita sa mga motibasyon ng mga tauhan, dahil mayroon ring paglalarawan ng mga temang peminista sa pelikulang ito.

Ang pangunahing tauhan, si Marlon, ay sumali sa dance class ng kanyang guro sa literatura dahil may gusto siya sa kanya at hindi siya magaling sa pagsuri ng mga peministang tula ni Mam Karen. Ito ang pangyayari na nagbigay ng oportunidad ng kanyang kaklaseng si Dennis na mag-usap, at para turuan ni Dennis si Marlon tungkol sa sayaw. Ang mga gabing tinuturan siya ni Dennis ay kung paano lumalim pa ang kanilang pagkakaibigan, at itong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay ang sentro ng pagsimula at paglalim ng conflict ng kuwento. Noong malaman ni Mam Karen ang totoong dahilan ng pagsali ni Marlon sa dance class niya, inasahan niya na mas nais ni Marlon na manatili sa pagsayaw dahil gusto niya ang sining nito, at hindi lamang dahil sa pagkahikbang ni Marlon sa kanya.

Dito nakikita naman ang character conflict ni Karen kung saan isa siyang babae na walang asawa at pinipili niya ang isang buhay na puno ng sining ng sayaw at tula, at habang nakikita rin niya ang damdamin ni Dennis para kay Marlon.

Habang tumatagal ang pelikula, ang mga damdamin ng dalawa sa isa’t isa ay nakikita sa ekspresyon ng mga sayaw sa pelikula hanggang sa pangalawang bahagi ng kuwento kung saang naging bida si Dennis at Marlon ng epikong Humadapnon. Kahit ang epikong ito ay parelalismo kina Dennis at Marlon: dahil inililigtas ni Sunmasakay[ang papel ni Dennis sa epiko] si Humadapnon[Marlon] sa isang kuweba ng mga babae. Nakikita ang metaporang ito sa sayaw ni Marlon at Karen sa huli kung saang sinabi ni Marlon na hindi niya maintindihan ang mga tula ni Mam Karen, pero sinabi niya na naiintindihan niya at ayaw niya lang itong tanggapin. Pagkatapos nito, nilipat ni Karen si Marlon kay Dennis sa pagsayaw nila, at nagbago ang eksena sa kung saan nasa tanghalan na sila para sa pagganap nila nitong epiko.

Ang mga conflict at motibasyon ng mga tauhang ito ay kung saan nakikita ang pagsusuri ng kasarian dito: ang mga damdamin ni Marlon kay Dennis na hindi sigurado hanggang sa dulo, at kung paano palaging pinapakita ang koneksyon ng dalawa sa pamamagitan ng sining. Para sa akin, ang paggamit nitong pelikulang ito ng mga sining para ipakita ang relasyon nina Dennis at Marlon ay ang nagpapatulong sa pagpapakita sa kanila na tao rin, at hindi lamang ang paggiging bading ang pokus nito para mas nakakaaliw o mas magiging popular, kundi ang tensyon ng pag-ibig. Imbis na sa mga aksyon o pagkilos nila ang pagkabading nila, para sa relayson at desisyon na umibig ng parehong kasarian ang tema dito.

Isang pagkakaiba ito sa isa pang pelikulang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. Dito naman, nakikita kaagad ang pagkabading ni Maximo sa kanyang mga kilos at pagsalita. Kaya lang, hindi ito ang sentrong conflict ng kuwento dahil kompurtable si Maxi sa kanyang pagiging bading, at walang away tungkol dito sa kanyang problema.

Ang pangunahing problema sa pelikula ay nagsimulang umibig sa isang pulis na si Victor. Ang problema dito ay dahil sa kanyang pamilyang gumagawa ng krimen. Pero kahit hanggang sa dulo ng pelikula, hindi sinasabi kung ano talaga ang seksuwalidad ni Victor, at nananatili itong tago. Nakakadagdag ito kung paano pinapakita ng pelikula na ang pokus ng buhay ng mga tauhan ay hindi sa kakaiba nitong relayson nina Victor at Maxi, kundi sa pamilya ni Maxi na mga criminal at ang trabaho ni Victor na kailangan niyang hulihin sila, hanggang sa dulo kung saang namatay ang ama ni Maximo.

Pagkatapos nito, makikita sa dulo na dinaanan lamang ni Maxi si Victor at huminto lamang bago tumuloy at tuluyang umalis. Ito ang pagpapakita ng pagkatanda na ni Maximo na ibang-iba sa pagka-inosente lamang niya sa simula ng pelikula dahil sa lahat ng pinagdaanan. Itong imahen ng “pagdadalaga” ay nakita rin sa mas maagang bahagi ng pelikula kung saan malapit ng kunin siya ng dalawang lalaki na gusto siyang abusuhin bago siya niligtas ni Victor at sinimulan ito ang nais ni Maximo na maging mas mabuti sa buhay niya.

Kadalasang makikita na tinutupad ni Maximo ang mga gender role ng isang babae, at wala na rin ang ina ng kanilang pamilya kaya si Maxi ang gumagawa ng mga labahan at ang nagluluto sa bahay at pinagtatawan rin siya ng mga kapit-bahay dahil sa kanyang baklang personalidad. Pero kahit itong tipikal imahen ng bading ang ginamit sa pelikulang ito, hindi ito ginamit bilang pagpapakita ng problema ng mga kilos ito, kundi isang aspeto lamang tungkol kay Maximo: na ang mas tunay na aspeto ng tauhan niya ay ang isang loobang labanan sa pagitan ng kanyang obligasyon sa pamilya niya at ang natutunan niya sa pagkahumaling niya kay Victor na maging mas mabuting tao.

Sa mga tauhang ito, masasabi ko na hindi sila exploitation kundi liberation ng mga larawan ng mga bakla sa dalawang pelikula. Kahit iba o ang stereotype ang unang makikita sa kasarian nila. May mga iba’t ibang aspeto sa kanila para nagiging mas representibo sila sa isyung hinaharap ng mga bakla ngayon. Nais nilang ibahin ang tingin sa kanila, hindi bilang bakla, kundi isa ring tao na hindi masyadong iba ang pinagdadaanang problem sa taong heteroseksuwal.

Thursday, January 24, 2013

Pakitang Gilas

Nag-isip kami ni Denise ng kung ano yung kailangan naming gawin para sa Pakitang Gilas. Noong una, gusto sana namin gawin ang isang "Arrneo Survival Guide" na halo ang paggiging konyo at Atenista, pero mahirap ito gawing isang proseso.

Noong umagang iyon, pumunta si Denise sa bahay ko at kakagising ko lang(dahil nasanay ako noong Christmas break na gumising ng hapon nalang), at matagal rin kami bago nakasimula dahil pareho pa kaming inaantok(kakarating lang ni Denise galing sa Pampanga).

Natawa kami sa paggawa ng aming video dahil ito ay tungkol sa kung paano magdiyeta, pero kumain kami ng kumain para sa pag-film nitong video. Kakatapos lang ng pasko at bagong taon, kaya madami kaming tsokolate sa bahay na nakain noong araw na iyon.

Friday, December 7, 2012

Cookies

nomnomnom
Chips Ahoy! Chocolate Chip Cookies

                 Isang karaniwang makikita sa mga mesa kapag pasko ng isang plato nito at may kasama ring gatas. Sa mga pelikula at sa telebisyon, nakikita rin ang mga bagong gawa na linalabas sa oben. Puno ng amo ang kusina kapag bagong gawa sa isang bahay – isa itong plato ng mga chocolate chip cookies. Bilog ang kanilang pagka-anyo. Pag tinignan mo ng mabuti, makikita rin na hindi makinis ito, at maraming biyak. Meron ring mga maliliit na piraso ng tsokolate na nakakalat at inilagay sa loob nito.

                Dahil hindi siya ganoong kalaki, madali siyang kunin sa plato at simulang kainin. Pagkagat mo, nararamdaman mo na nadudurog ang cookie sa loob ng bibig mo. Magiging parang pulbos ito, habang natutunaw ang mga pirasong tsokolate sa dila mo. Pagkatagal mo sa pagkain nito, magiging malagkit narin bago dumulas ito sa lalamunan na papunta sa tiyan.

                Mahilig ang mga tao sa lasa nitong matamis na hindi nakakasuya. Ang na-uunang lasa ay ang dough ng cookie, na may kaunting tamis at malalasahan na parang tinapay ang pampaalsa at harina na ginamit para dito. Pero pagkatapos nito, ang nangingibabaw na lasa ay ang lasa ng tsokolate. Hindi niya pinupuno ang bibig mo dahil maliit lang siya – pero dahil iba ito sa lasa ng dough na sa ngayong lumalagkit na sa dila mo, nasa isang particular na lugar ang lasa ng tsokolate. Dahil sa mga proporsyon ng dough at ng mga tsokolate, nababalanse ang paghalo ng parehong lasang ito.

                Mula pa nang bata ako, mahilig na ako sa mga cookies. Ibinabaon ko palagi sa eskuwelahan para sa recess, at kinakain ko kapag merienda sa bahay kapag walang pasok sa araw na iyon. At marami rin akong ala-ala na nakakabit sa mga ito.

                Noong tag-araw ng taong 2010, may isang nangyari sa buhay ko na hindi ko makakalimutan. Nakakilala ako ng isang kaibigan, at hanggang ngayon isa siya na pinaka-importante kong kaibigan. Mahaba ang kuwento kung paano ito nangyari, at ang mga nangyari pagkatapos dito. Pero naalala ko ang iba sa mga una naming usapan sa Yahoo! Messenger.

                Sinabi ko na isa akong ninja. Napatawa siya, pero nakisali rin siya. Sinabi niya isa siyang sundalo. Noong araw na iyon, nagkukunwari kaming naglalaban sa Y!M, pero ang mga gamit ko na parang ang throwing stars ng mga ninja ay cookies. Mula noon, ang isa kong palayaw sa kanya ang “The Cookie Ninja.”

                Ayaw kong masyadong magbigay ng detalye – pero nag-ibigan rin kami. Umabot ng isang taon at tatlong buwan. Noong kami pa rin, sumulat siya tungkol sa akin para sa isang sanaysay sa klase ng Ingles. At “The Cookie Ninja” ang pamagat nito. At kahit tapos na ang nangyari sa amin, importante parin sa akin ang itong palayaw dahil noong tag-araw na iyon, marami akong natuto tungkol sa aking sarili, at ang aking mga pangarap. Noong una, masakit nung tinapos namin ang relasyon, pero natutunan rin akong tumayo sa aking sariling mga paa. At nakatulong rin ang pagkain ng mga cookies sa mga gabi nung naalala ko ang mga nangyari. Pero pinili ko na sa akin parin ang tawag ng mga tao na “The Cookie Ninja.” Dahil galing sa akin ang aking identidad – hindi galing sa isang relasyon.

                Kung gayon, gusto ko ang cookies kasi nararamdaman ko na may magkapareho ako dito – isang hindi organisado sa pagkalat ng mga tsokalete, isang taong may mga biyak rin dahil hindi perpekto, at maari ring madurog – pero sa kabuuan, masarap parin sila. At masarap rin ito kapag may kasamang gatas – pero hindi naman sa gatas ang dahilan kung bakit mahilig paring kainin ito ng mga tao.

                Gusto ko ang cookies dahil ako ay isang cookie ninja.